8.07.2011

Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? ni Resy Felipe

Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?
Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)


Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Naririto ngayon sa’ting paaralan.

Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.

Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?

Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala
Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.

Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. Lariza ng Grade V- Section one.


Wikang Filipino:
Sa puso at diwa, ako’y Pilipino
Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko.

Wikang Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.


Wikang English:
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.

Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula.


Wikang Filipino:
Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.

Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao
Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipno
Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago.


Wikang English:
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral
Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply
Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad
Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.


Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.


Wikang English:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.


Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?

Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat
Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.

39 comments:

  1. wikang pambansa go!go!go!

    ReplyDelete
  2. wikang Filipino sariling atin 'to

    ReplyDelete
  3. i ♥ filipino go go go aking sariling wika yeAH ...

    ReplyDelete
  4. im proud to be wikang pambansa

    ReplyDelete
    Replies
    1. ''im proud'' bat ka nag ingles?

      Delete
  5. Its Interesting :)

    ReplyDelete
  6. wikang filipino....gogogogo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  7. tama!!!!wikang pilipino ipaglaban natin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wikang pambansa gd eh. hehe

      Delete
  8. angay natong ipanghambog ang salitang atin

    ReplyDelete
  9. wikang filipino ang ating sariling wika kaya go go go go go....

    ReplyDelete
  10. tabla ra na sila oist

    ReplyDelete
  11. mas kailangan gamiti ang wikang banyaga!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  12. parehas lng natin iyan kailangan

    ReplyDelete
  13. mas mahalaga sa atin ang wikang filipino kaya wikang filipino go!go!go!

    ReplyDelete
  14. its so nice!!! its more fun in the philippines!!!♥

    ReplyDelete
  15. more power to the maker of the script!!!!! love ♥ it!!!!

    ReplyDelete
  16. English go go go go go !

    ReplyDelete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. ....kung mka pagmalaki kayo akla nyo d kayo gumagamit ng english language

    ReplyDelete
  19. may advantages dn nmn ang enlish language ah..

    ReplyDelete
  20. magandang pangtatang hal sa wikang pilipino

    ReplyDelete
  21. I love pilipinas and wikang pilpino yeh....... go go go go..ENGLISH...

    ReplyDelete