10.20.2006

Abala

Ang nagdaang panahon
Tunay na hitik sa gawain,
Di pa tapos ang isa,
Heto at may mga kasunod na.
Tanging lakas ang baon
Na ibinibigay ng Panginoon,
Ang pahinga ay munting dalangin
Na ang hiling ay makatagal pa,
Umabot man lang sa araw na pinagpagalan
Habang ang isip di matigil
Hanggang sa mabuwal ang katawan;
Saka nagising naalaalang
Ako ay Tao pala.

No comments:

Post a Comment