noon,
kahap0n,
ngay0n
,
bukas
,
hinaharap.
isipa'y nagtatalo,
di natatapos
ang sumpa
tila habambuhay?
nakadagan,
nakaharang,
sa daraanan,
hitik ng balakid;
di makita,
madilim 'tinatahak.
di masaya,
di magawang sumaya.
nauupos
,
walang katapusan,
napupugnaw,
nanghihina,
walang tigil ang pagluha.
nagpapahinuhod
,
nabibigo
,
saglit ang tagumpay
,
bantulot ang ngiti
;
nililibak.
humahang0s,
humahabol,
mailap ang kapayapaan,
mabilis ang oras
,
nang-iiwan.
may kabiguan;
kailangang mabigo,
batayan ang tagumpay,
pula ang kabiguan.
nakapapagod
,
nakalulungkot,
paulit-ulit
,
nakasasawa
,
nakapanlulumo,
nakapanghihina.
walang sag0t,
di masag0t
;
kailangang may sagot.
dapat sumun0d,
sarili ang nananagot;
walang masisi
ni walang makarinig,
walang naririnig.
galit
,
nagpupumiglas,
napapagod.
di nakita,
di naramdaman
,
di lumaban,
di lumisan,
di sinag0t,
di makasagot
,
di nilubayan.
binabagyo
;
bumabaha ng luha
.
walang araw,
walang tanda;
di natutuyo ang daan.
sa liwanag
,
sa dilim
,
nasisilam;
binubulag;
binibingi;
n0on pa ma'y pipi.
pinupukol
,
salo lang ng salo;
nagugutom
,
di nabubusog.
pinawalan,
di pa panahon
,
di makalaban
,
nais bumalik,
walang babalikan;
walang tumatanggap.
umaasa
,
nangangarap,
walang natutupad.
nag-iisa;
may pakikibaka,
walang katapusan.
matulin
,
mailap,
di mahagilap;
di maibabalik,
di masundan
,
di maiwan-iwan,
di malim0t,
di makatulog.
par0o't parito
,
nag-iisip
,
mayr0ong kabalintunaan,
binihag ng kahap0n.
kulang pa ang isang katha.
kailangang magtan0ng ng BAKIT?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment