5.21.2010

Nang Di Mauwi sa Panimdim

Napaparam
Sa pagdaan ng mga araw,
Habang lumilipas
Mga sandaling
Natatanaw ang kawalan.

Mga hagod
Ng hapdi at ligaya,
Anupa't panakanaka;
Sa pag-inog ng mundo,
At araw ng pagsinta.

Baka ang dahilan
Ay binihag,
Ng kahapong 
Di masipat
Ang kinabukasan.

Mga saya ay
Bantulot lamang,
Paanong kung kapalit
Ang habambuhay na
Walang patutunguhan.

No comments:

Post a Comment