5.26.2010

wala

natutuyo
ang mga hamog
na di nakahalik
sa lupang
tinatangay
ng rumaragasang
pag-agos.

nag-iisp,
umaapuhap
ng mga tugmang
di mailiwat
sa bawat
saya't luha,
pananabik, sakit.

iwinawaglit
kung paanong
pangangatwiranan,
patototohanang,
nadarama'y
isang panaginp
lamang.

bukas,
mapapagod ding
limutin ka,
pagdaka ng
walang tigil,
na kinikitil sa
bawat maghapon.

No comments:

Post a Comment