9.22.2010

Bilang na

Dalawang linggo
sa dalawang tao,
mula sa dalawang
magkaibang mundo.
Dalawang hilig,
dalawang isip,
dalawang puso.
Dalawang araw,
dalawang gabi,
dalawang dahilan
sa pagkarami-rami.
Dalawang buwan matapos
ang mahabang panahon;
mula pa lamang sa
mga dalawang taon.
Dalawang kwento,
dalawang puso,
dalawang tao,
dalawang mundo,
kailanma'y
di magtatagpo.

No comments:

Post a Comment