Unti-unti kong nauunawaang kay lawak at kay rami pala ng dahilan, paraan at kahulugang napaloloob sa payak na salitang ito maliban sa katotohanang sa mga pinakapayak na dahilan ito higit na nararamdaman. Maaari ring makita, mahawakan gaya ng kung paano rin ito maaaring ipadama, ibahagi, pagsaluhan; pagtiisan, makasakit, magbigay tapang o makapagpatapang sa isa, dalawa o higit pa sa di mabilang na bahagdan sa bawat pagkakataon lalo na sa mga pinaka di inaasahang tao, lugar at panahon.
Maaaring matapos ng sadya, panaka-naka, unti-unti o biglaan; ng sapilitan o talagang kailangan na lamang takdaan ng hangganan subalit anuman o paanoman o sinuman o saan man maaaring maghatid ng kapalaran, iisa lang ang ang layon nito: patunayang may isang salita, nadarama, ideya at katotohanang umiiral na tinatawag na— Kaligayahan.
No comments:
Post a Comment