pagod na ang puso
pati ang isip ko
sa kaguluhang di na nahinto,
sitwasyong magulo,
paulit-ulit, nakalilito.
bakit ba walang sawa
sa palitan ng saya at luha;
akalang wala pero meron pa.
mga sakali, siguro, pwede at baka
hanggang kailan pa kaya.
wala na sa katwiran
ilang ulit na masaktan;
di ba pwedeng tapusin na lang,
wala nang pahirapan,
sana akin ka na lang.
ikaw ba, siya o ako
ang di na natutuo
sa bakit, kailan o paano;
kaya't sa larong ito
sino nga ba ang talo.
kung hahanapin kita
nandiyan ka pa kaya,
tila pagod ka na rin
o di kaya'y nagsawa;
wala ka na nga ba?
matatapos na ba
sandaling nakasanayan na;
isang dakot na ligaya
inakala kong akin na,
di naman yata pala.
pagkat ako ay bilanggo
ng alaala mo;
kailangan bang lumisan,
dapat bang iwan,
o mayroon pang babalikan.
*yeah ranma, iyak ka lang... =')
No comments:
Post a Comment