sinasamantala ang libreng wi-fi habang naghihintay sa doktor na magbibigay-pahintulot sa akin para muling makapasok.
Babayaran na kaya ako ng kompanya para sa araw na ito? Eh kung pinadiretso na lang nila ako ng pasok at wala nang ganito eh di nagawa ko na ang trabaho ko, tambak na rin siguro 'yon matap0s ang limang araw. Nakakapraning din na makasanayan ang 12 hanggang 14 oras anim na araw isang linggong pukpukan tapos biglang bahay-higa kain-tulog. Parang gusto mong masuka, lalong mangatog, mahilo at magpatay-patayan.
Itutuloy...
Ayan, alas-onse na ng gabi. Nakabalik na ako ng opisina matapos kong maclear sa clinic ng isang branch na pinanggalingan ko. Nakitang muli ang mga ka-opisinang okey sa pagka-okey matapos ang isang linggong parang singhaba ng habambuhay (di halatang namiss ko sila, o sige pati na rin lahat ng saya at stress sa trabaho) at siyempre nag-over time ako na may masayang puso pero heto at tinutuloy ko ang sinimulan ko dahil kahit pagod na ang katawan at mata kong nag-iinarteng hindi na sanay sa trabaho eh hindi naman ako pinatatahimik ng utak ko para balikan ang pagsusulat na sinimulan kaya heto at pinagbigyan ko siya kahit isang saknong lang.
Itutuloy na lang ulit...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment