wala nang maisip pa
mula nang iwan na,
paggising isang umaga
sa gitna ng langit,
may nagdidilim:
isang tanikala.
tila dapit-hapon
pagmasdan ang paglisan;
baka masalubong
sa isang pagkakataon,
itatanggi mga panahong
tuluyang itinapon.
kay raming puwang,
di na mapag-usapan;
buuin, ipagpilitan,
ikubli o hagkan;
di na makatuwiran,
dapat nang lumisan.
kay raming salik at pwersa;
ilan ay bahagyang nakalantad
sa latag ng mundong ibabaw;
maigtig, matatag,
ibuwal ni salingin man
sadya nang di mangingilag.
No comments:
Post a Comment