10.27.2011

Atas

Sa isang mahabang pasilyo
tahimik, mabibilang ang ilang pirasong lantad na tao;
sa madidilim na sulok pilit sumisilip
ang sinag ng tanikalang ikinukubli ng mga ulap.
Malalanghap ang simoy at tinig ng bawat mundong paglakad,
nakatunghay sa bilang ng
walang mukhang ipinaghihintay
upang mabuhay,
upang ilibing ang mga nangamatay
at ituloy ang buhay.

No comments:

Post a Comment