10.02.2011

Bakas

Higit nang kabuuan,
Balot ng kawalan;
Sa kalaghatian,
Ikinubli sa karimlan.

Lupain sa anyo uhaw,
Minsanang natitighaw;
Sa alon ukol napaaagaw
Ng huni o likhang galaw.

Buwan at bituwi'y sinilip
Sa magkabilang dulo ng langit;
Siniil mga indang impit,
Papiglas nanahan sa halip.

Ulayawang ulap-kalupaan,
Sinag namamaalam,
Sundang hanggang saan,
Nilalamon- saksing namasdan.

No comments:

Post a Comment