10.17.2011

EpiKo

Nilikha kang tauhan
nito namang isipan;
Bakit ba inasahang
mayroong patunguhan.

Habang inilalahad,
Galaw mo ay katulad
tila isang pangarap,
Ninanasang maganap.

Sumpa ang walang lahat
sa larawan ni ganyak;
inakala't hinanap,
Inasam nang payak.

Buong lakas inukol
sa tapang at pagbangon,
Talino at pagyabong;
Umakay sa pagyaon.

Ano kang panitikan
ng saltik, kamalayan;
Layang kinasabikan
tuluyan tinakasan.

No comments:

Post a Comment