10.12.2011

PRO

Paningi'y namulat sa dilim
Loob nito ay malamig ngunit
Kakaibang init ang hatid,
Sa bawat bahagi ng paligid;
Di nakalulunod ang tubig,
Ito ang mumunti kong silid.
Ano, sino ang sa aki'y lumalang?
Sa di maunawaang usapan,
Pagtangis at kaba ang nadarama.

Nasa'n na ang malambing na tinig,
Pusong kasabay sa aking pintig?
Naglaho sa pagkakakalag,
At kapiling ko na ay liwanag.

No comments:

Post a Comment