10.29.2011

Saglit

Nagsisimula nang dumilim,
Nangangamba pagkat wala ka pa rin;
Buong araw ginugol upang salubungin
Ngunit di ka na yata muli pang darating.

Sa bawat pagkakataong dumaraan,
Kasaikan ay nabalot ng kabalisahan
Paano'y ikaw lamang ang pinagtuunan
Nito namang damdamin at isipan.

Payapa ang naging paglalakbay;
Sa samyo ng bawat pagtahak ang tunghay,
Nang sa iyong pagkaway,
Ano nga ba at may kasabikang naghintay.

Oh, ritong kay haba ng panahon,
Tila saglit ang isang maghapon;
Gayong inihatid ka nga ng mga alon
Subalit tinangay din naman sa nitong pagyaon.

No comments:

Post a Comment