Buhay kong sa mundo'y paglalakbay,
Pagtahak na ikaw ang umakay;
Anumang bagyong dumaan sa buhay,
Di nagapi ng hapis o lumbay.
Mga pagpapayo mo at saway,
Sa akin ay nagpapatibay;
Sa pagsisikap man o tagumpay,
Salamat sa lahat ng patnubay.
Pagpupuri sa habambuhay
Bawat araw ang sa Diyos iniaalay
Pagkat ikaw sa aki'y ibinigay,
Nag-iisa, mahal kong Nanay!
*para sa Pinakapaburito kong kakwentuhan, kalakwatsahan, kadramahan at kaibigan... ^_^
Maligayang Bati sa Iyong ika-65 Taong Kaarawan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment