8.22.2012

bingit

bawat pagsulyap isang pangarap 
sa tuwing lilingo'y nagaganap. 
damdamin tila isang sisidlang 
umaapaw matapos matigang 
ng pag-araw maging ng pag-ulan; 
bumibigat o pinagagaan 
ng paglimot o kaya'y paglisan. 

iyong daigdig ang aking langit, 
pahingalay sa pananabik 
kaya't mga ninanasang saglit, 
bakit ba hinahayaang pilit 
kahit pa sakit paulit-ulit, 
nangungulila sa pagbabalik.

No comments:

Post a Comment