10.13.2012

Siwang

Sa isang sulok 
ikinukubli ang mukha, 
Sa dilim 
isinisigaw ang damdamin; 
Tila aninong nakaabang 
sa kung bukang liwayway 
o takip-silim. 

Naglalayag sa hangin, 
Umiindayog sa saliw, 
Pikit-matang bumibitiw 
hangganan man ay malalim. 

At sa pagmulat ng mga mata, 
Magtatanong, 
"panaginip nga lang ba?" 
Pinagtatagning alaala 
habang natutuyo ang mga luha. 

No comments:

Post a Comment