1.01.2013

2012 to 2013: Heto rin


Minsan ang akala ay kumpleto na ngunit tila may hinahanap pa, hindi maisalin sa wika, napakahiwaga— katunayang humihinga pa nga.

Sinubukan kong tumakas, Sinubukan kong lumayo, Sinubukan kong magbago subalit napatunayan kong heto lamang talaga ako mula noon, magpahanggang ngayon at sa mga itutulot pang darating na kailanmang panahon.

Maraming marami pong Salamat sa lahat ng mga naging kabahagi, kasama, kasabay mula nang simula pa; sa mga ngiti, tawa, pagluha, tapang, kailgayahan, karanasan, paninindigan, pagkatuto; paglakad, pagtakbo, pag-akyat, pagbagsak,pagbangon; pagtutol, pagsang-ayon; Mga Biyaya, Pagpapala; mga kasagutan, kaliwanagan at pagkaunawa upang maging buo at ganap ang isa na namang taong siksik, tigib, liglig, nag-uumapaw sa alaalang karagdagan na naman sa mga nauna nang naipon sa pagdaan ng mga lumakad na panahon.

Walang makasasapat na alinmang pananalita upang kahit man lamang tumbasan ng Pasasalamat ang Lahat ng Nakamtang Mula sa Maykapal!!!

Lahat ng ito ang baon sa pagsalubong sa paniBagong Taon :)

No comments:

Post a Comment