1.08.2013

Amihan

Minamasdan ang paligid;
Nagbabagong-bihis ang diwa,
Dinadama ang higpit,
Mga yakap ng nakaraan
tila kulang kahit umaapaw.

Nakatanghod sa mga ulap
bumababa kapag nagdidilim;
Nalulugmok, inaalila,
Natitinik sa paghihinawa,
Nananariwa tuwing naaalaala.

Bakit pa tayo pinagtagpo
Kung din naman ay magkakalayo.
Di sana'y hindi ganito
ang naging  pag-iisa ko.

Pinipilit hanapin
ang saya sa mga ngiti,
Sumisigaw sa ulap,
Bumababa sa putik
Kasabay ng pag-agos ang ulan.

Parang iisang minuto
kung umikot ang mundo,
Kay bilis maglaho;
Parang pangarap, bangungot, anino;
Sintang hiyaw, halos malundo.

No comments:

Post a Comment