Sa iyong mga mata,
Nagkulay-bughaw ang langit,
Inabot ang himpapawid,
Nabuhay ang panaginip.
Sa iyong tinig,
Sumibol ang pangarap,
Bumilis ang marahang pintig,
Dali-dali kahit saglit.
Sa iyong pagluha,
Yumuyuko ang mga tala;
Hahawakan ka pa ba,
Tinatangay ng paghawa.
Sa iyong paglayo,
Kung lahat ay naglaho,
Saan namang tutungo,
Bakit di sa tabi humayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment