lumulubog ang araw,
papalit na ang buwan;
tayo'y magkatabi
at kapwa humihingal.
Mayroong mga ngiti,
pilit pang ikinukubli
sa mga mata ng mga labi.
kaunti na lamang ang nalalabi,
sumasapit na ang gabi.
tahimik ang paligid,
matamang minamasdan
ang angking kagandahan;
walang madinig
liban sa mga pusong umaawit.
mamaya,
malayang magtatagpo
mga paningin, tinig at puso
pagkat pagsapit muli ng magdamag,
sa magkaibang landas ang tungo.
saksi ang mga haligi
sa mga kahapon ng saya at hikbi
kung magkikitang muli
naroon pa kaya't nananatili
o dulot na lamang ng panaghili,
nakakahong lumayang saglit habambuhay
kung sadyang mapanyayari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment