4.17.2013

Ang Lahat ay Mayroong Balik

Ikatlong araw sa linggo ng pagtatrabaho, salamat at may natatapos kahit paano; di pa man tapos ang isa ay heto at may dumarating pa - pinakamabuti naman iyon kaysa nakanganga. Ang maghapon ay natatapos na lamang ng ganoon at sa bawat kinabukasan ay sadya ngang di na maibabalik ang kahapon. Minsan, kahit pilitin pang ihanay kung alin ang dapat unahin, mayroon pa ring mga pagkakataong nauuwi sa pagiging makakalimutin kaya rin nga minsan, iyong dapat tapos na ang natetengga. Gayumpaman, tuluy-tuloy din naman ang natututunan.

Sa pang-araw-araw na mga ganitong tagpo, ang isa ay maaaring matuto - magtanong at kawala-wala ay magdesisyon; makipagkapwa - kilalanin, makibagay, makinig, makipagtalastasan sa paraang propesyonal man o pakikipagkaibigan; UMUNAWA AT HINDI MANGHUSGA pagkat lahat naman tayo ay may pinagmulan at pinagdaraanan o may pinaniniwalaan at ipinaglalaban at sa ibabaw ng lahat ng ito ay ang iyong pagkatao kabilang na ang bakas na iiwan ng iyong pag-iral sa mundo.

Ang tumatak na aral para sa araw na ito: "Ang lahat ay mayroong balik - literally and figuratively.

Kaya nga maidagdag na rin: "Mayroong balik ang pagiging mabait."

Salamat sa bawat karanasan pagkat ito ang lakas at tapang sa patuloy pang pagharap sa mga hamon pang masasalubong.

;-)

No comments:

Post a Comment