4.24.2013

Talon...

nakita ko...
bago pa man mamukadkad ang mga talululot,
ni hindi pa noon nasisinagan ng araw ang loob ng bubot,
lumukso ang puso, lumuha ng dugo.


narinig ko...
puno ng haka-haka sa palibot,
walang katapusan ang mga pagkibot
pagkat sa bawat paghayo ay mayroong naaabot.


nadama ko...
nanunuot ang mga luhang di na pumatak sa pagkatuyot;
nasisilaw sa liwanag ng kahapong di rin malimot—
saan pang makalulusot kung masalimuot.

No comments:

Post a Comment