yaong alam mong darating at darating ang pagkakataong mawala kung di kaya manawa kaya hangga't maaari ay susulitin mo pa, yaong dating alam mong palagi lamang nariyan subalit sa isang iglap ay ikaw na mismo ang naghahanap. kay bilis na lumipas ng panahong tila habambuhay ang bawat sandaling pilit pinagkakasya sa isang liblib na sulok ng pag-iral o maging ng hinuha; paano nga ba ang mangulila sa mayroon o wala? pinagtatagni ang panaginip sa alaala. ang saya hindi ba? nasaan na?
6.09.2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment