8.23.2013

Engeng Papel: i feel effin' Epal

Hindi rin naman yata magandang ibabad mo na lang ang iyong sarili sa kalungkutan.


Long weekend na naman at good luck na naman sa nanay ko kung hindi siya mangusumi mula ngayong gabi ng Biyernes hanggang sa maghapon ng Lunes. Pista Opisyal na naman kasi sa darating na ika-26 – tulad nitong linggong nagdaan, parang kahapon at kanina lang nagbukas ang pinapasukan paano ay nagkanda-ipit, nagkandasingit at nagkasalit-salit ang mga araw na pista opisyal o bagyo na sa madaling salita nga ay pahinga, bakasyon, nganga at mga araw na pati ang sariling kasambahay, sa umay ay naiibiyerna.

Sabak-sabak din para paduguin ang pumupugak na utak.


Minsan, kaya ang isa ay nagiging bugnutin dahil sa dami na nga ng sa palagay niyang nagawa ay sobra pa rin ang lakas niya – maraming paraan para malibang, iba-ibahin din lang pagka minsan nang hindi naman iyon at iyon din lang. Bakit hindi subukang maglakbay, maglakad, tumakbo, tumalon, sumigaw, lumipad, mag-isip at manahimik sa iisang pagkakataon lang.


Sabi ng iba, hindi raw masaya ang mag-isa pero minsan ayos din namang kausapin mo ang sarili mo at baka nga mayroon itong ibang suhestiyon o komento sa nabanggit na konsepto. 

Maging mong layunin ang mga pwede o kaya mong gawin. Huwag mong limitahan ang iyong sarili. Kailan pa, kapag 80 ka na (?) samantalang mayroon ngang ilan sa karamihan na 90 o mahigit na ay kinikilala at umaani pa ng karangalan. Bakit ang mga bayani, bantog o hindi man kahit ilang dipa na ang lalim sa lupa eh kinikilala kundi tinitingala pa? Simple: Legacy, Pamana, Bakas – Hindi Mabubura.

Sa bawat pagkakataon, kakailanganin o mapipilitan tayong magdesisyon. Oo lang o hindi, urong o sulong, gusto o ayaw. Kung sa palagay mo eh pagsisisihan mo kapag hindi mo tinanggap ang hamon at kapag alam mo o kahit umaasa kang kaya mo talaga eh tanggapin mo pero kung sa pakiwari mong aksaya lang ng oras na pag-aksayahan ng panahon 'yon eh di hindi. Timbangin mo at maging handa kang harapin ang magiging desisyon. Alamin mo kung anong mas gusto mo at kung kaya mo ba iyon. In short, huwag duwag.

Ang anuman, alinman at sinuman o kahit pa nga ang mundo ay umiral nang mayroong dahilan – kung ano iyon, ay 'yong may gawa o kahit penomena pa para sa iba ang nakaaalam. Basta heto tayo, nandito at kung wala ay baka nasa malayo o hangin, guni-guni o anino. Eeeehhhh ito?  – Isang buardor ng kathang-isip, Salamat po para rito and that's it.



No comments:

Post a Comment