Basahin mo
sa pagitan ng mga
salitang Ito
Ang nilalaman ng aking puso
at kapwa madarama
ang mga damdaming
Hindi mabigyang turing.
Huminga nang malalim,
Ipikit ang mga mata
at pagmasdan sa dilim
Ang liwanag at ginhawa
Ng mga kahapong tila
hinablot sa pagbangon
ng takip-silim.
At sa muling pagmulat mo,
Tumingin ka sa malayo.
Paano mong nakikita
Ang mundo?
Habulin mo,
Kabiging pabalik sa iyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment