sa panaginip—
pilit inaabot ang langit
kahit man lang makamit
ang hiling ng isip;
paanong iwawaglit
ang di maglahong sakit,
lalo at nagbabalik
ang damdaming nasasabik.
maririnig ang hibik
sa pagtaghoy na impit;
mga mata ay ipipikit,
sa sarili'y isasambit,
"Wooohoosssaaahhhh...
Hindi pa ito ang
Katapusan ng mundo;
Mayroon pang bukas
Na nag-aabang sa'yo.
Gago!"
napabalikwas sa narinig
habang unti-unting
nilimas ng liwanag
ang kahabaan ng dilim.
nagising mula sa
habambuhay na
Pagkakahimbing.
pilit inaabot ang langit
kahit man lang makamit
ang hiling ng isip;
paanong iwawaglit
ang di maglahong sakit,
lalo at nagbabalik
ang damdaming nasasabik.
maririnig ang hibik
sa pagtaghoy na impit;
mga mata ay ipipikit,
sa sarili'y isasambit,
"Wooohoosssaaahhhh...
Hindi pa ito ang
Katapusan ng mundo;
Mayroon pang bukas
Na nag-aabang sa'yo.
Gago!"
napabalikwas sa narinig
habang unti-unting
nilimas ng liwanag
ang kahabaan ng dilim.
nagising mula sa
habambuhay na
Pagkakahimbing.
No comments:
Post a Comment