9.06.2014

Totoong-totoo lamang i2 at di sa pag-eemo :)

"Sino ka?", iyan ang lagi kong tanong. Gusto ko lang makasiguradong hindi ka pa nawawala sa sarili mo para gustuhin o mahalin ako. THTH nga diba?

Paano mo kaya kinakaya?
Pakiramdam ko tuloy, ang bait-bait ko sa nagdaang buhay para ikaw ang ibigay ng Ama. Basta ang alam ko, lahat ibinigay Niya sobra-sobra pa nga! Maraming maraming salamat sa lahat kasama na ang lahat ng una kong naramdaman at naranasan lalo na 'yung hindi makahinga saka 'yung sinasabi nilang butterflies sa tiyan! Yaong "romantic" na ang alam ko lang na kahulugan ay ikaw! Sa mga ngiti, yakap, pag-aalaala, pagkalinga, pagbusog, pagpapasensiya, pang-ispoil at sa lahat ng pagmamahal sa antas at uri na kahit hindi ko inalam o hinanap ay sa iyo ko lang natagpuan.

Mayroon din palang pagkakaiba gaya ng mayroon din namang pagkakatulad ang pagmamahal sa literal na pakahulugan, sa mga kuro-kuro, kwento ng mga karanasan at sa tunay na nararamdaman na ang sarili mismo ang makadarama at makaaalam. Ikaw yaong hindi ko natutunang mahalin bagkus ikaw ang dahilan kung bakit at paanong natuto akong magmahal, ganap ko na ngayon itong nauunawaan.

Mahal na mahal na mahal kita at hindi iyon maisasambitla ni masusukat sa limitadong mga titik at salita na maaaring sabihin o isulat sa alinmang wika. Ikaw lang, nag-iisa ka lamang at ito rin lamang ang nadarama at maisisigaw nitong puso ko at damdamin kaninuman, magpakailanman :)

No comments:

Post a Comment