1.19.2016

Kaskasero

Gusto kong magsulat
Kaso...
Naglalaro
Ang isip ko.
Sumasabay
sa ikot ng mundo.
Nahihilo
Hinahabol
Ang tibok ng puso
Paano
Di alam
Kung daratnan
Ang daan
Ng pinanggalingan.

Kaskasero
Ang Nagmamaneho
Ano nga bang punto
Mayroon bang panuto
Kung mabilis ang takbo
Sadya bang makalalayo.

Ang totoo
Walang kwenta ito.
Sana lang ay
Makauwi na ako.

No comments:

Post a Comment