5.26.2018

Tagal o Tanggal na?

Sa gabing lumalalim
Tumatakas ang paghimbing
Habang minamasdan ang kinabukasan
Mula sa nilimot na nakaraan

Narito na
Ang mukha ng kahapong
Nilunod ng pagluha

Mabilis ang mga pananalitang
Nabuhos sa pananabik
Maisambitla

Kay tagal na rin pala
Isa na lamang
Talagang alaala.

No comments:

Post a Comment