8.18.2019

Kalendaryo pa

Magpapalit na naman.

Subalit di malilimutan ang lahat
Ng mga tao, pagkakataon,
Damdamin, karanasan,
Sakit, hirap, pagpapasakit,
Tagumpay, kabiguan,
Hamon at natutunan.

Marami pang darating.

Minsan, may mga tila ba
Masarap balikan
O kamustahin man lang
Na tila ba may panghihinayang
Subalit ganoon talaga,
Sadyang mayroon sa ating
Nakalaang kapalaran.

Pwedeng umiyak
At saka masdan
Ang kalangitan
Tapos samsamin muli
Ang sarili para sa
Bagong pakikipagsapalaran.

No comments:

Post a Comment