3.14.2020

Covid-19.ph

Para sa mga kababayan nating frontliners sa mga ospital kabilang na ang mga nurse, doktor at iba pang hospital staff na ibinubuwis ang kanilang talino, oras at kaligtasan; yaong mga staff sa mall at groceries na wala na ring pahinga sa dami ng mamimili; yaong mga sundalo at pulis na nagpapatupad ng kaayusan at pagsunod sa protokol; ang mga miyembro ng media na nangangalap at naghahatid ng balita; ang mga empleyado ng gobyerno na patuloy na umaantabay upang makapaghatid ng serbisyo publiko at sa lahat ng mga indibidwal o grupo— mayaman man o mahirap na sa maliliit o malalaking paraan ay gumagawa ng kabutihan alang-alang sa kapakanan ng nakararami, maraming salamat po sa inyong lahat! Ito ang panahon upang makipagkaisa, makipagtulungan, maging isang responsableng mamamayan at higit sa lahat ay magtiwala sa Poong Maykapal upang ating malabanan at malampasan ang pagsubok na kinakaharap ng ating bayan.

No comments:

Post a Comment