4.16.2020

Bagyong Summer

Kani-kanina lang ay maraming naiisip,
Mga salita, panaginip at alaala
Ng mga kahapong parang ganito rin ang tema,
Umuulan din noon, kahit sabi pa nila ay tag-araw na.

Umiyak din ako noon
Parang ang langit noong panahong iyon
Na parang ngayon,
Bumubuhos kasabay ng damdaming naglalayag na naman sa kahapon.

Kani-kanina lang ay magsusulat na sana
Kaso bigla na namang blangko
Katulad noon: ang mundo, ang damdamin, tayo
Magulo: ikaw ba o ako;
Kaya siguro unti-unting naglaho
Parang ikaw, ako
Dahan-dahang dumating,
Bubugso, halos masalanta ako—
Parang ang ulan na ito.

Nasabi ko na naman tuloy ang pakshet
Ang sakit.
Wala na akong nagawa
Alam kong ikaw rin, wala na.

No comments:

Post a Comment