1.16.2021

Pakerrrr

Umiiyak ng walang luha;
Kay raming sinasabi,
Hindi maisambitla;
Sumisigaw ang damdaming
Hindi makalaya.

Pinupuno ang bawat kabanata
Ng walang sidlang saya, tawa,
Galit, panghihinawa, pangamba;
Kung bakit, paano, hanggang kailan pa;
Sisimulan o wawakasan na lang ba.

Nasa mga patlang, bantas at mga titik
Ang mga bugso, hilahil at pananabik
Ng mga naglaho nang di maibalik;
Paano na ang mga hinintay sa habambuhay
Wala na,
Wala nga...
Wala.

No comments:

Post a Comment