2.23.2021

Mamamaalam Na Lamang

Inaamin kong hindi ipinaglaban
Ang dapat sana'y pagmamahalan
Natakot kasi na baka mawala
Kaya di na hinayaang masaktan pa

Saan nga ba tutungo
Ang pag-asang mapasaiyo
Gayong tuluyan nang
Umikot ang ating mundo

Hindi na sana nagkita
At nangusap ang mga mata
Nagtanong kung ikaw ba
Para hindi naman pala

Paano pang lilisan
Kung tuluyan nang iniwan
Ikaw pa ba iyan
O nasa isipan na lang

Ganito na lang tayo hanggang sa mapagod
Hindi na pipilitin pang humanap ng sagot
Pipigilan, titigilan na lamang ito
Ganito na lang tayo hanggang sa sumuko

No comments:

Post a Comment