5.25.2021

Subok

Magtago sa lahat ng ito
Tumakas, lumayo
Takpan ang mukha
Manhid na

Ang bukas, paano na
Naglalaho, mawawala
Ang dilim: Napakadilim
Sipatin sa siwang ang pag-asa

May pagpipilian ba
Naririnig ka ba
Sasagutin ka ba
Tatanggapin mo ba, o
Tatanggapin mo na

Nakatayo
Habang
Iginugupo
Nahahapo

No comments:

Post a Comment