1.03.2009

Mula sa Isang Ideya...


Eto na namano at nakaharap sa isang blangk0ng pahina ng pekeng papel. Kahap0n, kagabi, hanggang kanina, hitik ang par0o't parito ng kung anu-an0ng bagay, salita, imahinasy0n, pangyayari, pangarap, panaginip ang iba pang uri ng kal0k0han at kabaliwang pwedeng mabuo.

Parang ang nagdaan na gabi ay parang pagiisang pagdanas ng pagdidiliryo sa gitna ng malamig na kwarto. Nakakum0t ngunit ang hinihigan ay isang makapal na tipak ng yelo.

Naalala ko pa nung ginagawa namin yung sh0rt film naming T.E.R.M.I.N.A.L©. -isang ist0ryang tungk0l sa isang fresh grad na hinahanap ang sariling kapalaran. 'Yong tinatawag nyang "purpose" niya sa buhay. Nakakatawa kung iisipin ngay0n yung mga panah0n y0n na kailangan pang magpuyat para sa c0nceptualizati0n. Kung paan0ng kailangan pang pagtalunan ang mga realizati0n sa bawat eksena, sa bawat ideya. Na dapat it0ng realizati0n na ito ay tutugma sa isa at dapat sakto ito sa eksena, sa linya at galaw ng kamera. Isa lang ang masasabi ko sa mga pagkakata0n na y0n, isang malaking "HAHAHA!"

Ang totoo, kaya kailangan ng c0nceptualizati0n, realizati0n at kung anu ano pang ashon e para hindi magmukang magaang papel at mababaw ang pelikula kundi sayang naman ang 51 th0u na budget! Matap0s ang lahat ng preparasy0n hanggang sa shooting na b0nggang b0ngga at patayang editing na hal0s ipagpatayan na rin ang mga eksenang isasama't aalisin, ipinalabas ang pelikula at sa pagtatap0s nito ay lumalabas na mababaw ang ist0rya para sa ilang estudyante. Parang OA ang atake, tila mabigat ang naging pagtanggap sa isang simple, lumilipas at n0rmal na dilemma.

Hindi masyad0ng kinagat ng mga estudyante ang plot kahit sadya it0ng ginawa para sa estudyanteng puno ng pangarap. Para maipahiwatig man lang na maaari ring pagdaan nya ito minsan sa isang pagkakata0n. Syempre nga naman iba pa rin ang love st0ry, may temang sumasalamin sa nagaganap sa paligid, political at ang pelikulang may bago at kakaibang k0nsepto- m0rbid at mala psych0l0gical thriller-hehe bitter!

Tap0s na ang lahat ng y0n. Yung pelikulang y0n? Bahagi lang yun ng lahat ng pinagpaguran, pinagpuyatan, pinagawayan, binuhusan ng pag0d, dugo, hirap at kung ano pa para lang talaga maisalin sa salita lahat ng pagpapagal. Sama mo pa yung mga isinakripisyo ng magulang. Gusto na namin n0ong matap0s ang lahat, nakakapag0d talaga, mabigat pa sa bulsa. Alam na namin n0on na kailangan na talaga naming ibuh0s ang lahat dahil ab0t kamay na namin ang bunga ng lahat ng pagsisikap, malapit na naming maab0t ang huling baitang ng mga binu0ng pangarap. Ang iba pa n0on parang nakayapak sa isang l0bo, sa isang pagkakamali pwede ka pang mahul0g. Hal0ng saya dahil sa wakas tap0s na, lungk0t sa paghihiwalay ng magkakaibigan at paglisan sa institusy0ng sa ilang ta0ng m0ng naging tahanan at mund0ng inikutan at hal0ng tak0t at kaba dahil kailangan nang lumabas sa mund0ng at buhay na pag iy0ng pinuntahan ay hindi na pwedeng lisanin ni takasan kailanman.

Natap0s na nga ang lahat, isang kabanata na naman ng buhay at pakikipagsapalaran ang nilakaran namin. Nakakatawa, sa paghanap ng trabaho, kelangan sama sama, parang isang class secti0n na naghahanap ng class ro0m. Dapat sama samang matatanggap, parang enr0lment lang. Pero di uubra, di pwede basta ang c0llege bArkadahan. Kailangan din magkanya-kanya, swertihan din ang labanan! Di rin naman masyad0ng nagkaiba-iba dahil isang larangan ang napuntahan o maaaring sabihing binagsakan naming lahat. Sakto!

Minsan sa isang pagsasama-sama, walang pinagbago, gan0n pa rin, mga isip bata, maingay, matakaw, pero may k0nting nag iba- may laman na ang bulsa! Biyaya ng kapalarang kinasadlakan.

Sa pagbabalik tanaw sa mga bagay na nagawa , ginawa at natutunan, may isang ideyang lumilitaw at ngay0n ay nabubuhay at nakikisalamuhang kasama namin. Si Riza, yung karakter na binuo ng mga malilik0t na isipan. Nagbabalik sya at nananahan sa bawat isa sa amin. Wala sigur0ng matapang na aamin, pero mula sa isang kathang isip ay isa sya ngay0n nagkakabuhay na kat0t0hanan. Nahirapan sya sa pelikula, pinagsama-sama at isinaysay namin sa tatlumpung minuto ang dag0k ng mundo sa mura nyang edad. Ngay0n heto sya, ipinararamdam sa amin ang sakit, hirap at pighating dinala nya mula sa aming mapanlupig na sining. Tila naghihiganti sya, nararamdaman namin ang mga naramdaman nya. Pagod, tak0t, panghihinayang, hirap, ang resp0nsibilidad, frustrati0n, ang realidad ng buhay. Di pwedeng umatras, mahirap naman at nakapanghihinayang para sa lahat ng nagambag ng pag0d ang sumuko. Mabuti pa si Riza, minuto lang tinagal ng pakikibaka, ilang scenes lang. Pero hindi maikakailang buo na siya, gaya ng mga linya at eksenang nakalimbag na sa script. Isa na it0ng kathang isip na binigyang buhay sa pamamagitan ng isang sining. Nakakul0ng ang exsistence ni Riza sa 30 minuter film dahil hindi na ito nasundan ng kahit an0ng sequel, habang kaming mga gumawa, heto at ilang buwan na eh paik0t-ik0t pa rin sa kanya-kanya pero magkakahalintulad na ist0rya. Pabago-bago. Patuloy ang pr0seso ng sh0oting. Pero walang editing. Walang cut. Walang split, walang delete scene. Di pwedeng irevise, di pwedeng ire-sh0ot. Nakatingin lang samin si Riza, parang mapanuring man0n0od, habang kami ay nagkukumah0g, tila umiikot sa palad ng kapalarang minsang pinag-isipan at binigyang buhay na di inasahang magaganap.


T.E.R.M.I.N.A.L (2007)

No comments:

Post a Comment