Isang araw na naman na may pagbuh0s ng luha ang kailangang dumaan. Sumisigaw ang puso pero walang makarinig. Nagwawala ang pagkatao pero ni walang makabanaag sa kung anong pinagdaraanan. Nagtataka kung bakit nagiging mapait ang tadhana at kailangang maranasang ang mga kapaitang ito, nagtataka tul0y kung san nagkamili sa l0ob ng 21 ta0n.
Kelan magiging masaya? Ni hindi na matandaan kung kailan huling natikman ang tunay matatamis na ngiti, yung saya ng puso, yung di lang bakas sa mga labi kundi ung nakikita sa mga mata at tumatag0s sa bawat kalamnan, yung my tunay na kapayapaan at kaliwanagan ng isipan. Nung maay0s pa ang lahat. Nung magaan pa ang pagdadala ng buhay.
Iba na ngay0n. Ibang iba na kaysa dati. Marami nang nagbago. Hindi na gaya ng dati ang mga dag0k. Mas mabigat ngay0n. Di basta pweDeng iwasan pagkat nakaharang ito sa bawat lagusan. Masyad0ng madilim ang paligid at tunay na mahirap sundan ang siwang ng katiting na liwanag. Hindi na gaya ng dati.
Ang bungang inani ay di ganap ng hin0g. Ito ay mapait at mapakla. Di pa man nabubuksa'y tila bul0k na. Mukhang mali ng bungang pinalaki at inalagaan, o maaring mali ang naging pagpili. Nasayang ang panah0n. Nakakalungk0t na hindi na maaaring hilahin pabalik.
Nangangagat ang malamig na hanging umiihip sa gitna ng malawak na kaparangan. Hindi ito mapanganl0ng kundi isang lugar na naliligaw ang marami. Parang isang bangung0t at walang maaaring gumising hanggang sa ang biktima ay tuluyang mawala. Walang bakas, walang pagkakakilanlan, walang makaaalam.
Sing lalim ng hukay ng pinakatatagotag0ng kayamanan ang damdaming nalun0d sa kumun0y ng laBis na pagdaramdam. Walang mapa. Mananatiling lihim ang kalungkutan sa ilalim ng mga nababanaag na ngiti, malakas na halakhak at mapagpanggap na tagumpay. Habambuhay nit0ng ililihis ang hubad na mga mata ng mga mapanlibak, mga mapanghusga, mga makasarili at mga nagaal0k ng mapagkunwaring kalinga.
Wala it0ng katapusan dahil paulit-ulit lang ang lahat. Patul0y lang ang pagbigat ng pagdadala nito hanggang sa hindi na makayanan ang saklap ng kapalarang kinasadlakan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment