6.07.2005

Sa Gitna

Di tanggap ng nakararami
Sinasaktan, inaapi
Ipinagwawalang bahala
Matapos pakinabangan
At pagkakitaan.

Iniaalay tunay na pagmamahal
Iibinibigay ay pawang kaligayahan,
Kahit mundo'y handang ibigay
Ngunit kagantiha'y sakit
At saka iiwan.

Ipinagtatabuyan
Ng lipunang
Matalinong naturingan
At pararangalan
Sa pagkakita ng kagalingan.

Pedestal ang marapat kalagyan
Ng produktibong kabaklaan;
Sa nahihimbing na kamalayan,
Pulpol na kaisipan
Sila'ng gigising, magpapayaman.



*Para sa mga nasa Gitna- kaibigan, mahal sa buhay, nakilala at makikilala pa lamang...

1 comment:

  1. This upset me. Its the bottom of the ninth and still all to play for.
    deaf dumb and blind bondage stories
    gay prison stories
    gangbang rape stories
    alt sex stories
    forced crossdressers in bondage stories
    This upset me. Its the bottom of the ninth and still all to play for.

    ReplyDelete