8.15.2005

Wikang Filipino- ang Wikang Pambansa ni: Panitik

Sa bayan ng Baler siya isinilang
Buwan ng Agosto, ika-labinsiyam,
Manuel Luis Quezon ang kanyang pangalan
"Ama ng Wikang Pambansa", kung siya'y tagurian.

Mula sa Surian ng Wikang Pambansa
Kanyang pinagtibay at pinanukala,
Magkaroon tayo ng iisang wika,
Wikang Filipino- ang Wikang Pambansa!

Ako'y taga Luzon, ikaw ay Bisaya
Samantalang siya, sa Mindanao mula
Tayo'y Filipino sa puso at diwa,
May isang damdamin at may isang wika.

Lahing kayumaggi ating pinagmulan
Isang bansang malaya sa dulong Silangan,
May mga bayning nagbuwis ng buhay
Nang upang makamtan yaong kalayaan.

Wikang Filipino ay Wika ng Lahi
Ang wika ng bansa't mga minimithi
Naipahayag ang diwa ng budhi
Na siyang nagbubuklod sa lahat ng lipi.

Ang Buwan ng Wika, ating ipagdiwang
Manuel Luis Quezon, ating parangalan,
Ang sariling Wika nitong ating bayan
Ay ating mahalin at pakaingatan.

Mga kabataan sana ay pakinggan
Saan man makarating h'wag kalilimutan
Ang wikang sarili ay ipagmalaki, ipagparangalan
Huwag ikahihiya sa mga dayuhan
Wikang Filipino, ating kayamanan.

No comments:

Post a Comment