9.28.2005

Signos

Ikaw'y isang kalye,
Kung saan ako ay
Nadaraan,
Kung saan mayroong mga
Sandaling aking pinupuntahan,
Upang maghagilap ng kasiyahan.

Sa aking mga paglalakbay,
Ikaw ay parang ispiyang
Sumasabay,
Ikaw ay parang multong
Mapagbiro sa pagsusumikap
Kong huwag kang tingnan ay kumakaway.

Sa pampalipas-oras,
Kapag ako ay bibili ng kutkuting
Kakanin,
Kung aking itatapon na ang pinagbalatan,
At mamataan nitong pinanggalinga'y
Makikitang ikaw na naman ang nalalagay.

Tila mayoong ipinahihiwatig,
Sa signos na hatid;
Ngunit dito'y di nais manalig.

No comments:

Post a Comment