10.02.2005
Maginoong ZerauS
Ang galing niya!
Hinay-hinay ko pang hinahakbang─
Naroon na siya.
Kilay di maiwasang tumaas
Sa paglasap ng katuparan
Ng pangarap,
Katauhan niya
Sa aki'y bumulalas!
Sa ngiti ng paghanga
Pumaiilalim ay pakiramdam na nadaya
Pagkat sa tinatahak ko'y
Humarang siya.
Sinambit sa sariling di lamang
Kita'y tutularan;
Suntok sa buwan huwag ipagkamali
At lalampasan po kita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment