10.04.2005

Kung Anak ng Sining


Ang anak ng Sining ba'y sinungaling,
Paimbabaw o mapagkunwari;
May inililihim baka sakali;
Sa lupa may ibinaon
At mapa ay patagong itinapon.

Ang anak ng Sining ba'y mapagmagaling,
Mapagpanggap na marunong,
Nakayang gawin ang lahat
Sukdulang nahihirapa'y
Sisikaping makaangat.

Mga paa'y saan makararating
Ng bubot na anak ng Sining;
Kaloob ng langit na angkin
Sa landasing piniling tahakin,
Tagumpay ba o kabiguan ang lalasapin?

No comments:

Post a Comment