Bumibilang ang mga araw
Sa piling ng pagbabalik-tanaw
Ng kahapong hitik ng
Kaalaman sa maraming
Taong nagdaan.
Ang bawat mukha animo'y
Representasyon ng mga
Nakasalamuha ng
Noo'y bubot pang isipan.
Sa kapaligiran nalalanghap
Pa rin ang nakaraang
Tila kahapon lamang.
May mga nagbago,
Dumating at nananatili
Habang ang sumasalubong
Sa pagbabalik ay
Ang mga alaalang sinisipat
Sa mga sulok ng naiwan.
*para sa mga araw ng inspirasyon, ingay, saway, laro at yeso...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment