...matapos ang maiksing panahon na inakala kong magtatagal ng higit sa aking inaasahan ay muli na namang nagdilim ang kalangitan. Muling binabalot ng tila makapal na usok ang kapaligiran. Napakahirap itaboy at nakasusulasok ang amoy.
Pinipigil nito ang sana'y mapayapa nang pagdaloy ng kinagawian subalit muli nitong binulabog ang nagpapanggap na katahimikan. Ginugulo ang pilit na isinasaayos na daan.
Bahagyang bahagya lamang ang ipinagkaloob na kapayapaan subalit dumaragundong ang nagbabalik at higit na malakas na bangungot. Hindi mapatigil, galit na galit at mapaghiganti.
Muli na namang maririnig ang mga nakabibinging pagtangis na umaalingawngaw sa magkabikabila. sumisigaw, nagagalit, umiiyak, nanahimik.
No comments:
Post a Comment