3.06.2010

Sa Mayroon at Walang Ginawa


Patuloy na pinapatay ang oras- ng sitwasyon, ng pagkakataon, ng bawat segundong kumakawala sa wala. Bumibilang ang mga araw, hanggang sa naalimpungatan matapos ang isang taon ng kasiyahan, pagsisisi, pagkabitin at panghihinayang. Paglipas ng taon, heto na naman ang pagsisismula sa wala, parang lahat mali, walang ginagawang tama. Hindi na naman malaman kung pano magsisimula.

Maraming takot, pangamba. takot sa kabiguan, nangangambang kung pagbibigyan ba ang pagkakataong tahakin ang ibang direksyon ay makakamit ba ang tunay na kaligayahan- yung pangarap na binuo at pinagsikapang maabot at matutunan, yung pinanalangin, yung inasam mula pa nung matagal na.

No comments:

Post a Comment