Naparam na ang
pagsinta mula sa
panaginip na masaya,
mapusok, malaya nang
bumang0n sa kat0t0hanang nag-iisa;
manhid, bato, blangko.
Panay ang kapa sa
pag-asang mayro0n nga.
Mapanlansi ang bugso na
puno at saka pinaglalaho.
Iniisip, dinarama.
Nagmamasid sa tuwina.
Nakikiramdam, an0'ng
paiiralin saka
magpapasyang
tigilan na lang.
Binabalot, ikinukubli
sa mga ngiting
nanunuot sa pighati
ng pagkabigo,
paninibugho
hanggang sa muling
maghilom ang puso.
Bakit kinailangang dumating pa
para lamang ang puso'y
tuluyang umasa
;
oo, dati namang mag-isa
,
masasanay ding wala ka.
Bakit binayaang
humant0ng dito
di naturuan ng isip
ang puso habang damdami'y
naipon,
napuno,
natap0n.
we di nga
ReplyDelete