8.03.2010

Wagas


Malamig ang hanging
dumarampi
Sa mainit na katawan,
pagkubli ng hamog
Bawat pagsilip ng araw,
sa panagimpang
Sukat hagka'y iiwan.

Wagas kalungkutang
nadarama,
Sa gitna ng paglimot,
Pansumandali lamang
nanahan,
Huwag itulot mawaksi,
para lamang sa pagmamalabis
Ng kahangalang
Binihag sa mga pagitan
ng waring di mahanggaan.

Pilit ipagkaila,
Lantarang nakabayubay
sa mga nalabing
Binuong pilit
na kasabikan ng
Mapaklang kahapon,
Buong kabatiran,
Dito rin wawakasan.

No comments:

Post a Comment