Nalalaman mo ba kung gaano siya kasaya?
Nakita ko sa kaniyang mga mata.
Duguan at di makagulapay.
Lugmok sa kalungkutan
sa gitna ng nakalulunod
at walang tigil na kasiyahan.
Masakit daw.
Nauunawaan ko
dangan
di ko tuwirang ramdam
ang bigat ng kaniyang
Pinagdaraanan.
Subalit alam ko,
alam niya,
alam namin,
alam nating lahat
na di ako
o sila
ang magiging lunas
sa duguang siya.
Kahit samahan ng magdamagan pa;
o habambuhay
ko siya
o namin siya
o ng lahat ng alak at doktor;
di maaampat ang pagdaloy
ng sakit sa sugat
na siya lang nakakikita,
nakadarama,
tunay na nagpapasan ng pagdurusa.
Tatahan, malulunasan,
maglalaho, matatanggap
Kapag gusto na niya.
Kapag handa na siya.
Kapag kaya na niyang tulungan ang sarili niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment